Saturday, August 24, 2013

Bakit Ako Mahihiya?

"Let your light so shine before men, that they may see your good works and give glory to your Father in heaven." (Matthew 5:16)

Pangkaraniwan na sa ating mga Pinoy ang pagka-mahiyain:
- Alukin mo ng pagkain – “Mamaya na lang, busog pa ako.”
- Pakantahin mo – “Huwag na lang, nahihiya ako.”
- Ask to lead a project – “Iba na lang, di ko pa kaya yan, nahihiya ako”
- Ask to solicit a donation – “Ay, kayo na lang. Magbibigay na lang ako.”
- Ask to speak in front of an audience – “Huwag na huwag mo akong tatawagin, hihimatayin ako”

Ilan lang yan sa mga bagay na nahihiya tayo. Sa kabilang banda, likas din naman sa mga Pinoy ang medyo nahihiya pero may lakas din naman ng loob:
- Alukin mo ng pagkain – “Nahihiya ako… Tara na samahan mo ako.”
- Pakantahin mo – “Nahihiya ako… Sige na nga – ito na yung USB ko, number 3, paki play.”

Kapatid, sa The Feast, it’s your time to shine. Ipakita mo ang iyong galing. Huwag ka ng mahiya! Serve with what talent, skills, or potentials you may have. It’s from the Lord. Let the whole world see your good works, so you may glorify your Father in heaven.

Tara na! let’s do it for the glory of God!

Your friend in Christ,
Marvin Tan

0 comments:

Post a Comment