Saturday, October 5, 2013

Kasagutan

Minsan sa pagdalaw ko sa isang kaibigan na may malubhang sakit, tintinigan niya ako at sabay tanong... bakit sa kanya pa daw nangyari ang mga bagay na yun? (mas lalo naman sigurong malabo na sa akin pa mangyari yun, eh dumalaw lang naman ako dun! Hehe!)
Sa buhay natin, madalas may mga kaganapan na di natin inaasahan at di kayang isipin na paano tayo nalagay sa sitwasyon na yun, at pawang mga katanungan ang mga namumutawi sa ating mga kaisipan at agam-agam sa ating mga puso.
Mga Kapamilya ko dito sa Feast Sucat, isang Serye ng ating usapan na inabot ng tatlong Biernes ang natapos na naman. Ngunit, hindi dito nawawakas ang walang katapusan at pinakamahirap na mga katanungan sa ating pang araw-araw na buhay.
Samahan ninyo kami muli sa susunod na dalawang biernes ng ating usapan at talakayan bilang pagtatapos ng ating serye, upang lalo tayong magabayan at maliwanagan sa lahat ng ating mga katanungan!
Ako pa rin ang inyong kapatid na handang maglingkod, Adrian

0 comments:

Post a Comment