Kung paliliitin daw nating ang mundo at sisiksikin ang population, ilagay ito sa isang baranggay na may 100 people lamang, at pananatilihin ang kasalukuyang ratios and percentages, ganito raw ang magiging hitsura:
57 Asians
21 Europeans
14 from the Western Hemisphere, both north and south
8 Africans
80 ang walang maayos na tirahan
70 ang hindi marunong mag-basa (no read, no write)
50 ang nakararanas ng malnutrition
1 nasa bingit ng kamatayan; 1 malapit nang ipanganak
1 (yes, only 1) ang may college education
1 ang may computer
Isipin mo friend…
Kung gumising ka ngayong umaga na pa sipon-sipon, ubo-ubo, lagnat-lagnat lang, at wala namang major major na sakit o karamdaman, blessed ka! Mahigit 1 million ang hindi makaka survive at dedo na bago matapos ang 1 linggo
Kung wala ka naman sa gitna ng digmaan, wala sa malungkot na selda ng bilangguan, hindi naka ranas ng torture, at wala sa panganib ng malnutrition at starvation, lamang ka sa 500 million tao dito sa mundo.
Kung ikaw ay malayang nakapagsi-simba kung kelan mo gusto ng hindi nag-aalala na mahuli at makulong, ma torture at mamatay, dahil sa iyong pananampalataya, kinai-inggitan ka ng 3 Billion tao sa mundo.
Kung meron kang kahit kaunting pagkain sa refrigerator ninyo, makakain ng kahit French fries lang sa Jollibee or Mc Do once a month, may suot kang damit, may bubong kapag tumingala ka, at mahihigaan ang likod mo, mas mayaman ka kesa sa 75% ng mga tao mundo.
Kung ikaw ay may pera, kahit maliit lang na halaga, sa banko, sa iyong wallet, kahit barya lang sa bulsa, kasama ka sa top 8% ng pinaka mayaman sa mundo.
Kung nababasa mo itong article na ito, mas matalino ka sa 2 Billion tao na hindi marunong mag basa.
Kung kaya mong ngumiti at nagsisimula nang magpa salamat sa mga blessings na meron ka, blessed ka talaga, kasi majority pwedeng ngumiti at magpasalamat pero hindi magawa.
Kapag sinunod mo pala yung kasabihang “count your blessings”, sobrang dami ang ating bibilangin!
Friend, hindi lang tayo magbibilangan ngayon. More than counting our blessings, let’s talk about enjoying our blessings. Excited na ‘ko!
Kwentuhan tayo sa Feast!
Source Laguna Feast
0 comments:
Post a Comment