Close na magkaibigan sina Mark at Glenn. Dahil pinili ng kanilang mga pamilya ang tahimik na buhay ng kabundukan at i-enjoy na lamang ang mga properties na meron sila, nag decide silang sa tahimik na bukirin na lamang manirahan.
Tulad ng lahat na nananatili sa bulubundukin, may alagang kalabaw sina Glenn na ginagamit na sasakyan at pambuhat sa bawat biyahe papuntang kabayanan. Ngunit biglang nagkasakit ang kalabaw na ito. Hindi naka recover at tuluyan nang na dedo. Ang mabait ngunit madalas na ignorante at madaldal na si Mark ay humirit “ang malas mo naman pareng Glenn!”
“May blessing ang lahat friend, hahanapin ko!” ang sagot ni Glenn.
Three days later, may bumisitang grupo ng misyonaryo sa kanilang lugar. At nang nakitang ang pamilya ni Glenn ay walang kalabaw katulad ng iba, naawa ang mga misyonaryo na nagkataon namang naghahanap ng karapat-dapat na recipient ng kabayo na nais nilang i-donate. In short, ang pamilya ni Glenn ay nakatanggap ng isang makisig, malusog, at malakas na kabayo. At ano naman ngayon ang sabi ni Mark? “Ang swerte mo naman pareng Glenn!”
Pag lipas ng limang linggo, sobra-sobrang lungkot at panghihinayang ang nadama ng buong pamilya ni Glenn ng bigla na lamang nawala ang kanilang kabayo. Suspetsa nila’y nakawala at naligaw na ito. As usual, hindi pahuhuli ang mabilis na komentaryo ni Mark “ang malas mo naman pareng Glenn!” Ngunit si Glenn, as usual, ay sumagot na para bang may alam na hindi alam ng iba “May blessing ang lahat friend, hahanapin ko!”
Makalipas ang tatlong araw, bumalik ang kabayo ni Glenn! Hindi lamang natunton ang daan pabalik sa kanila. May kasama pang pitong kabayong ligaw na sumunod sa kanya! Walo na ngayon ang kabayo ni Glenn! Ano naman ang sabi ni Mark? “Swerte mo naman pareng Glenn!”
Excited na sinakyan ng anak na binata ni Glenn ang mga bagong kabayo, ngunit nahulog ang binata at nabalian ng kanang hita. Medyo malala ang kaso, binalutan ng cast ang kanyang right leg at sinabi ng doktor na mananatiling hindi makalalakad ng normal ang binata sa loob ng anim na buwan. Automatic and comment na naman ni Mark “Malas mo naman pareng Glenn!” Ang automatic din na sagot ni Glenn: “May blessing ang lahat friend, hahanapin ko!”
Three days later, dumating ang Kapitan ng mga sundalo ng gobyerno sa baranggay nila Glenn. Ipinatatawag ng estado ang lahat ng binata upang i-draft sa army, lumaban sa giyera, at ipagtanggol ang kanilang bayan. Umalis ang kapitan na bitbit ang lahat ng mga binata, habang luhaan na ang mga magulang na hindi alam kung kailan babalik ang kanilang mga anak, kung babalik man. Walang natirang binata sa baranggay, except ang anak ni Glenn dahil pilay ito sa kasalukuyan, at hindi maaring sumama sa digmaan. Si Mark, nakatingin kay Glenn, automatic as usual, “Swerte mo naman pareng Glenn!”
Friend, hindi ako naniniwala sa malas o swerte. Ang pinaniniwalaan ko, kapag si Lord nasa puso mo, “May blessing ang lahat…!”
Puro malas ba ang bato ng buhay sa ‘yo ngayon. ‘Wag kang maniwala. “May blessing ang lahat friend, hanapin mo!”
At sure ako, makikita mo!
Kwentuhan tayo sa Feast!
Source Laguna Feast
0 comments:
Post a Comment