Tuesday, March 8, 2011

Matalino man daw ang Matsing…

Mabilis at maliksi ang mga matsing.  Matalino pa.  Pero baliw din sila.  Baliw na baliw sa mani.

Dahil dito, may na-isip ang mga local North African hunters ng mas matalinong pamamaraan kung paano makahuli ng mga unggoy.  Kukuha sila ng isang tuyong coconut, at sa gilid nito bubutas sila ng saktong sakto na kasya lamang ang naka bukas na kamay ng unggoy.  Pupunuin nila ngayon ng nuts (mani) ang loob ng coconut na ito, at iiwanan sa gilid ng puno.

Siyempre maaamoy ito ng unggoy.  Pilit kukunin ng monkey ang mani mula sa loob ng coconut, ipapasok ang kamay sa loob ng butas upang kunin ang mabango at amoy masarap na nuts.  Ngunit dahil sakto lang ang butas ng coconut sa nakabukas na kamay, hindi ngayon mailabas ng unggoy ang kanyang kamay na naka tikom dahil tangan ang isang dakot na mani.  At dahil wala siyang balak bitawan ang mani, kaladkad niya ngayon ang buong bigat ng dried coconut.  Imposible na siya ngayon makatakbo ng mabilis o makaakyat sa puno.  Dahil dito, madali na siyang mahuhuli ng mas matalinong monkey hunter.  Matalino man daw ang matsing, napaglalalangan din!

Kung bakit kasi hindi alam ng matsing na simple lang ang solusyon para hindi siya mahuli ng hunter:  bitawan ang nuts.  Pero ganun din naman ang tao.  Kung bakit kasi hindi rin alam ng tao na simple lang upang maging malaya:  bumitaw sa masidhing pagnanasa.

Pero sa tao, hindi nuts ang ayaw bitawan.  Pera ang dakot dakot.

Minsan akala sapat ang pera, pero dahil wala sa paghahari ng Diyos ang kayamanan niya at ayaw ring i-share ang blessing na ito sa iba, salat tuloy sa ligaya.

Money is a good servant, but a ruthless master.  ‘Wag kang malilito.  ‘Wag kang magkakamali.  Delikado.

Madaling magka-alam-alam kung ang Diyos ang naghahari sa buhay ng isang tao.  Paano?  Kung ang Diyos ang naghahari sa pera niya.  Kung hindi, pirated ang pagka-Kristiyano n’yan.

Friend, may simpleng test dito.  Ituro ko sa ‘yo.

Kwetuhan tayo sa Feast!
Source Laguna Feast

0 comments:

Post a Comment