“Which of these three do you think was a neighbor to the man who fell into the hands of robbers?” The expert in the law replied, “The one who had mercy on him.” Jesus told him, “Go and do likewise.” (Luke 10:36-37)
Walang ja-porms ni Wolfgang. Simpleng construction worker lang na nagmamahal sa Diyos. Tuwing nagbabasa siya ng kanyang Bibliya kapag lunch break, katakutakot na pang-a-alaska ang tinatanggap niya. Patuloy ang paghahanap ng paraan ni Wolfgang kung paano ma-i-papakilala si Hesus sa kanila.
Tuwing umuuwi ang kanyang mga kasamahan sa trabaho, iniiwan lamang nila ang kanilang mga putik-putik na working boots. Naisip ni Wolfgang na mag-paiwan pagkatapos ng trabaho ng lahat, at lihim na nililinis ang mga working boots ng mga kasama. Laking gulat ng kanyang mga ka-trabaho kinabukasan nang makita ang kanilang mga boots na sobrang linis. Hindi na sila nagduda kung sino ang may kagagawan nito. “Si Wolfgang lamang ang maaring gumawa ng mabuting bagay na ganito at mag-lingkod sa atin” ang conclusion nila.
Maraming ulit pang nangyari ito. Dahil dito, hindi lamang nila ni-respeto si Wolfgang. Mula noon, ang kanyang mga workmates pa ang nakiki-usap sa kanya na turuan silang mag-dasal at samahan silang mag-basa ng Bibliya.
Paano ba nakikita ang mukha ng Diyos ng mga hindi nakakikilala sa Kanya? Simple ang strategy: Serve Them!
Paano ba ang mag-serve? Simple rin:
1. Be there. Gawin mo kung saan ka naroon.
2. Be willing to do the dirty work. Yung hindi willing na gawin ng iba, yun ang gawin mo.
Sino ang dapat mong pag-silbihan? Eh di yung nasa malapit mo. Mga kaibigan, officemate, at of course, ang iyong pamilya (unang-una). Paano? Kung nandiyan ka para tumulong lalo kapag nagpu-putik na ang buhay nila. Sa panahon ng kanilang karamdaman at nagsawa na ang lahat ng bumibisita at tumutulong, kapag pumanaw at iniwan sila ng mahal sa buhay at nag-uwian na lahat ng nakikiramay, kapag ang asawa o anak ay nagka problema at hinusgahan na sila ng lahat, kapag ang kabuhayan at negosyo ay tumaob na at wala nang gustong mag bigay ng pag-asa, kapag nasira na ang kanilang pangalan at reputasyon at wala nang gustong makipag-kaibigan sa kanila.
Kapag bumitaw na ang lahat at ikaw ay hindi umaatras man lang kahit isang hakbang, ngayon mo maipapaliwanag sa kanila kung bakit iba ang pinanggagalingan ng pagmamahal na ibinibigay mo sa kanila.
Friend, para makilala ng iba si Lord, wala sa ja-porms ‘yan. Serve them! ‘Yan ang sikretong hindi naman sikreto.
Kwentuhan tayo sa Feast!
Source Laguna Feast
0 comments:
Post a Comment