May isang ina ng isang gwapong pari ang tinanong ng kanyang kumare. “Mare, bakit mo naman pinayagang magpari yung anak mo e sobrang gwapo? Sayang lang.”
“Mare, ito ang natutunan ko sa buhay: kung magbibigay tayo sa Diyos, hindi pwedeng kalahati. Hindi pwedeng kakapiranggot. Hindi pwedeng kakarampot. Kung magbibigay tayo sa Diyos, dapat buo!”
Madalas sa buhay natin ay marami tayong magagandang biyayang natatanggap. Malamang. Nakatanggap ka na ba ng regalo na luma? Kung oo, anong na-feel mo? Hindi masaya di ba? Siyempre kung may magbibigay na rin lang sa iyo, yung bago na di ba? Lahat tayo gusto natin makuha yung maganda, yung bago. At kung pwede, yung the best.
Pero pag tayo na ang dapat magbigay, minsan, biglang nagbabago ang ihip ng hangin. May iba sa atin na galante talaga magbigay. Pero may iba naman na biglang inaatake ng kakuriputan. Kung pwedeng makatipid, gagawin talaga. “It’s the thought that counts naman eh” ang madalas nating banggitin.
Oo, thought really counts. Sa mga kaibigan natin, sapat na ito. Pero paano kung si Lord na ang dapat bigyan? Masasabi pa rin ba natin na “It’s the thought that counts naman eh”?
Madalas tayong magdasal sa Panginoon. At sa tuwing may hihilingin tayo sa Kanya, lagi nating hinihiling yung maganda, yung bago, yung the best. Pero pag oras na para sa atin ang magbigay sa pamamagitan ng tithe o love offering, wala na, nagkakalimutan na. Kung hindi barya, lumang bente pesos o kaya isang daan na may scotch tape yung nilalagay natin.
“Eh brother hindi naman kailangan ni Lord yang mga materyal na bagay eh. Mas tinitignan niya yung kalooban natin.” Tama. Sang-ayon naman ako dun. Pero minsan ba naitanong natin sa ating mga sarili kung ibinigay na natin ang lahat ng ating mga ginagawa sa Kanya? Sa trabaho ba natin iniaalay ba natin ang mga gawain para sa Kanya? Pag sumasagot sa exam, sinasabi ba natin “Lord, ibibigay ko lahat sa exam na ito. Kung ano man ang makuha ko, para sa Iyo”? Sa panliligaw, relasyon o pag-aasawa, nasabi na ba natin na kung paano natin mahalin ang ating kabiyak e ganun din natin Siya mahalin?
Hindi naman talaga tinitignan ni Lord kung gaano kalaki o kamahal ang binibigay natin. Ang tinitignan Niya e kung gaano ito kahalaga sa buhay natin. Kung sobrang halaga ba. Yung tipong pwede nating ikamatay o kaya ikabagsak sa buhay pag nawala yun. Kung nakakapagbigay tayo sa Kanya ng mga ganitong kahalagang bagay sa buhay natin ay dun lang natin masasabing nagbibigay tayo talaga. Dahil ako na ang nagsasabi sa iyo, pag nagawa mo ito, sobrang higit pa sa halaga ng ibinigay mo ang ibabalik Niya sa iyo. We can never outdone the Lord in generosity. Naisip mo na ba kung kanino talaga nanggaling yung mga ibinibigay mo sa Kanya? Kung magbibigay tayo sa Diyos, hindi pwedeng kalahati. Hindi pwedeng kakapiranggot. Hindi pwedeng kakarampot. Kung magbibigay tayo sa Diyos, dapat buo!
Handa ka na bang magbigay kay Bro?
Manila Feaster
Sunday, 14 August 2011
0 comments:
Post a Comment