Sunday, October 2, 2011

PHP 500

Brothers and sisters, think of what you were when you were called. Not many of you were wise by human standards; not many were influential; not many were of noble birth. But God chose the foolish things of the world to shame the wise; God chose the weak things of the world to shame the strong. God chose the lowly things of this world and the despised things—and the things that are not—to nullify the things that are, so that no one may boast before him. (1 Cor 1:26-29)

May kakaibang appeal ang limang daang piso.  Hindi ito masyadong relihiyoso.  Bihira kasing nakikita sa simbahan.  Puro barya ang napupunta sa misa.  Ngunit maraming itinuturo ito.

Napansin minsan ni Bernie ang kanyang anak.  Hindi maipinta ang hilatsa.  Maasim pa sa sampalok na sinamahan ng kamias at pinigaan pa ng kalamansi ang mukha nito.  “Hi anak!  Kumusta ka na. Bakit sambakol ang mukha mo?” tanong ni Bernie.

“Masyado po akong napahiya Daddy.  Tinanong ako ng teacher ko sa History sa aming graded recitation.  Hindi lang mali ang sagot ko.  Sobrang layo.  Hindi kasi ako nakapag-aral.  Hindi lang ako basta napagsabihan ng teacher.  Na-insulto ako masyado.  Wala na raw akong pag-asa.  Pinagtawanan pa ‘ko ng buong klase!”

“I understand how you feel anak.  Ganun rin siguro ang mararamdaman ko kung sa ‘kin nangyari ‘yun.  Halika may ipapakita ako sa ‘yo” ang paanyaya ni Bernie.

Bumunot ng 500 hundred pesos si Bernie mula sa wallet.  Wala isa mang linya ng lukot, malutong, at mabango ang bagong-bagong bill na ito.  “Ano ito?” tanong sa anak.  “500 hundred po Daddy” ang kanyang sagot.  Hindi inaasahan ang sumunod na eksena.

Nilukot ni Bernie ang pera.  Hindi pa nakuntento, nilamukos pa ng madiin.  Pinukpok pa ng kamao na para bang labada sa ilalim ng palu-palo.  “Anak, magkano itong hawak kong pera?”  “500 pesos po Daddy” ang sagot ng bata.  “Ha?  Hindi ba nabawasan ang kanyang value pagkatapos ng mga paulit-ulit na pag lukot at pag hampas na ginawa ko?” ang follow up na question ni Bernie.  “Hindi po Daddy.  500 pesos pa rin po ‘yan.”

Kinuha muli ni Bernie ang perang ito.  Inapakan.  Inulit-ulit.  Nilundag-lundagan pa hanggang dumumi na at naputikan pa.  “Anak, magkano na uli ang perang ito?”  “Limang daan pa rin po Daddy.  Sigurado po ako” sagot ng bata.

“Tama ka anak.  Kahit anong gawin mo sa perang ito.  Hindi nababawasan ang halaga niya.  Gawin mo na ang lahat ng gusto mo.  Dumihan o sirain mo man ito, sigurado ako, hindi mo pa rin basta-basta iiwan at ipapamigay ito.  Kasi, alam mo na kahit anong mangyari, 500 pesos pa rin ito.  Hindi nagbabago ang halaga.

Ganun din tayo anak.  Maaring nagkamali, nagkasala, or nabigo ka.  Pakiramdam mo, wala ka nang halaga.  Wala ka nang pag-asa.  Minsan nga, ang ibang tao, ipapamukha nila ito sa ‘yo.  Bagsak ka na, aapak-apakan ka pa.  Ididiin ka pa sa pagkaka-lugmok mo.  Pero ‘wag kang mag-alala, anak, sa mata ng Diyos, kahit kailanman, hindi nababawasan ang halaga mo.  Tulad ng 500 hundred pesos na ito, kahit ano ang gawin ninuman sa ‘yo, kahit ano man ang maging paghuhusga nila, at higit sa lahat, kahit ano pa man ang paghuhusga mo sa iyong sarili, ang iyong halaga sa mata ng Diyos ay hindi nagbabago.  Hindi pa rin nagmamaliw ang pagmamahal Niya sa ‘yo.  Naghihintay pa ring Siya’y iyong paglingkuran.  Hindi nagbabago ang isip ng Diyos para sa ‘yo.

Your value does not change because of your mistakes.  Your identity does not change because of your sins.  Your destiny does not change even if you failed.  God already made up his mind about loving you.  And it’s not going change.  Until forever.

Kwentuhan tayo sa Feast!

Source Laguna Feast

0 comments:

Post a Comment