Showing posts with label Laguna Feast. Show all posts
Showing posts with label Laguna Feast. Show all posts

Saturday, October 8, 2011

KUMUSTA KA? KUMUNISTA KA?

Then he called the crowd to him along with his disciples and said: “If anyone would come after me, he must deny himself and take up his cross and follow me.  (Mark 8:34)

Kung liham ang pag uusapan, merong mga hindi malilimutan.  Tulad ng sagutan ng mga liham na ito:
“Dear Itay, Sinugod ng mga daga ang aparador ko, sinara ang mga damit ko, kaya kailangan mo akong padalhan ng pambili ng mga bagong damit.”  Ang iyong anak, Andy.”
(Medyo matagal nang nagsususpetsa ang tatay na ginagamit lang sa pagbubulakbol ng anak ang madalas na pinapadalang pera, kaya ganito ang naging sagot ng tatay.)

“Dear Andy, Sige magpapadala ako.  Abangan mo next week.  Love, Itay”
“Dear Itay, Magkano ang ipapadala mo?  Ang iyong anak, Andy”
“Dear Andy, Hindi pera.  Pusa ang ipapadala ko.  Wala na kasi tayong pera.  Love, Itay”

Kung seryosong sulat ang pag uusapan, mahirap itumba itong susunod.  Ito ay isang liham na sinulat ng isang Communist student sa Mexico.  Ang sulat ay para sa kanyang fiancĂ©e.  Ito ang bahagi ng kanyang liham: Kaming mga Communist ay may mataas na casualty rate.  Kami ang mga binabaril, binibitay, tino-torture, binubulok sa bilangguan, nilalait, iniinsulto, tinatanggal sa trabaho, at paboritong pinahihirapan.  Dahil dito, kami man ay dukha, kung ano man ang meron kami, ibinabahagi namin ang kaliit-liitang kusing para sa adhikain ng kilusan.

Kaming mga Komunista, walang panahon o salapi para sa sine, concerts, T-bone steak, disenteng bahay, o bagong sasakyan.  “Fanatics” ang tawag sa amin.  Oo, kami ay “fanatics.”  Ang pakikibaka at pangarap na tagumpay ng Komunismo sa buong daigdig, ito ang lakas ng buhay namin.

Kaming mga Komunista ay may pilosopiya na hindi kayang tapatan ng gaano mang kalaking pera at kayamanan.  Meron kaming adhikain na buong pusong pinaglalaban, layunin sa buhay na hindi mapapalitan. Pati ang aming mga pansariling pangarap at kapakanan ay sumusunod lamang sa kung ano ang ikabubuti ng “kilusan”.  At kung ano mang hirap ng kalooban at pasakit na aming nararamdaman, sapat na ang ginhawang hatid na aming alam: na kami ay nakikibaka tungo sa pagbabago, katotohanan, at ikabubuti ng lipunan at sangkatauhan.

Isa lamang ang aking alam, at ito ang Komunismo.  Ito ang aking buhay, relihiyon, libangan, girlfriend, asawa at kalaguyo, kanin at ulam.  Ito ang aking hanap-buhay sa araw, at panaginip sa pagtulog.  Hindi nagmamaliw, at sa halip, lalong sumisidhi ang aking pag-nanasa rito habang lumilipas ang panahon.  Ito ang lakas at direksyon ng aking buhay.  Hindi maaring ako ay pumasok sa pakikipag-kaibigan, pakikipag-relasyon, o pakikipag-usap man lang, ng hindi na-a-ayon sa pananampalatayang ito.  Ang mga tao, libro, ideas, at anumang pagkilos, ay tama at maganda lamang kung ang mga ito ay naayon sa Komunismo.  Dahil dito, ako’y galing na sa bilangguan.  At tulad ng aking mga kasamahan, ako’y handa na rin sa firing squad, kung kinakailangan…

Tama ang puso, mali ang pinaglaanan.  Friend, kilalanin natin si Hesus, para malaman ang tunay na kabayanihan.

Kwentuhan tayo sa Feast!

Source Feast Laguna

Sunday, October 2, 2011

PHP 500

Brothers and sisters, think of what you were when you were called. Not many of you were wise by human standards; not many were influential; not many were of noble birth. But God chose the foolish things of the world to shame the wise; God chose the weak things of the world to shame the strong. God chose the lowly things of this world and the despised things—and the things that are not—to nullify the things that are, so that no one may boast before him. (1 Cor 1:26-29)

May kakaibang appeal ang limang daang piso.  Hindi ito masyadong relihiyoso.  Bihira kasing nakikita sa simbahan.  Puro barya ang napupunta sa misa.  Ngunit maraming itinuturo ito.

Napansin minsan ni Bernie ang kanyang anak.  Hindi maipinta ang hilatsa.  Maasim pa sa sampalok na sinamahan ng kamias at pinigaan pa ng kalamansi ang mukha nito.  “Hi anak!  Kumusta ka na. Bakit sambakol ang mukha mo?” tanong ni Bernie.

“Masyado po akong napahiya Daddy.  Tinanong ako ng teacher ko sa History sa aming graded recitation.  Hindi lang mali ang sagot ko.  Sobrang layo.  Hindi kasi ako nakapag-aral.  Hindi lang ako basta napagsabihan ng teacher.  Na-insulto ako masyado.  Wala na raw akong pag-asa.  Pinagtawanan pa ‘ko ng buong klase!”

“I understand how you feel anak.  Ganun rin siguro ang mararamdaman ko kung sa ‘kin nangyari ‘yun.  Halika may ipapakita ako sa ‘yo” ang paanyaya ni Bernie.

Bumunot ng 500 hundred pesos si Bernie mula sa wallet.  Wala isa mang linya ng lukot, malutong, at mabango ang bagong-bagong bill na ito.  “Ano ito?” tanong sa anak.  “500 hundred po Daddy” ang kanyang sagot.  Hindi inaasahan ang sumunod na eksena.

Nilukot ni Bernie ang pera.  Hindi pa nakuntento, nilamukos pa ng madiin.  Pinukpok pa ng kamao na para bang labada sa ilalim ng palu-palo.  “Anak, magkano itong hawak kong pera?”  “500 pesos po Daddy” ang sagot ng bata.  “Ha?  Hindi ba nabawasan ang kanyang value pagkatapos ng mga paulit-ulit na pag lukot at pag hampas na ginawa ko?” ang follow up na question ni Bernie.  “Hindi po Daddy.  500 pesos pa rin po ‘yan.”

Kinuha muli ni Bernie ang perang ito.  Inapakan.  Inulit-ulit.  Nilundag-lundagan pa hanggang dumumi na at naputikan pa.  “Anak, magkano na uli ang perang ito?”  “Limang daan pa rin po Daddy.  Sigurado po ako” sagot ng bata.

“Tama ka anak.  Kahit anong gawin mo sa perang ito.  Hindi nababawasan ang halaga niya.  Gawin mo na ang lahat ng gusto mo.  Dumihan o sirain mo man ito, sigurado ako, hindi mo pa rin basta-basta iiwan at ipapamigay ito.  Kasi, alam mo na kahit anong mangyari, 500 pesos pa rin ito.  Hindi nagbabago ang halaga.

Ganun din tayo anak.  Maaring nagkamali, nagkasala, or nabigo ka.  Pakiramdam mo, wala ka nang halaga.  Wala ka nang pag-asa.  Minsan nga, ang ibang tao, ipapamukha nila ito sa ‘yo.  Bagsak ka na, aapak-apakan ka pa.  Ididiin ka pa sa pagkaka-lugmok mo.  Pero ‘wag kang mag-alala, anak, sa mata ng Diyos, kahit kailanman, hindi nababawasan ang halaga mo.  Tulad ng 500 hundred pesos na ito, kahit ano ang gawin ninuman sa ‘yo, kahit ano man ang maging paghuhusga nila, at higit sa lahat, kahit ano pa man ang paghuhusga mo sa iyong sarili, ang iyong halaga sa mata ng Diyos ay hindi nagbabago.  Hindi pa rin nagmamaliw ang pagmamahal Niya sa ‘yo.  Naghihintay pa ring Siya’y iyong paglingkuran.  Hindi nagbabago ang isip ng Diyos para sa ‘yo.

Your value does not change because of your mistakes.  Your identity does not change because of your sins.  Your destiny does not change even if you failed.  God already made up his mind about loving you.  And it’s not going change.  Until forever.

Kwentuhan tayo sa Feast!

Source Laguna Feast

Saturday, September 17, 2011

PARANG SIRA ULO!

“Love the Lord your God with all your heart and with all your soul and with all your mind and with all your strength.” The second is this: “Love your neighbor as yourself. There is no commandment greater than these.” (Mark 12:30-31)

Sira ang ulo! Ito ang tinging natin sa mga sundalo na nakabantay sa monumento ni Rizal sa Rizal Park (Luneta). Ano naman ang binabantayan nila? Hindi naman siguro tatakas si Rizal. Dahil sa bukod sa wala namang kasalanan ‘yung tao, eh matagal nang matigas na semento at hindi nakakakilos ang rebulto!

Pero sa totoo lang, kahanga-hanga hindi lang ang tikas ng mga sundalo at ang seremonya ng kanilang de-numerong pag galaw, hanggang sa pagpapalit ng pwesto. Mas kahanga-hanga ang kanilang dedikasyon. Umulan, umaraw, bumagyo, bumaha. Habang tayong lahat naka silong sa loob ng ating bahay, enjoy na kasama ang pamilya, dahil walang pasok sa school ang mga anak mo dahil sa hagupit ng mga maka-tumbang-billboard na bagyo, nandun ang mga sundalong ito. Walang tinag. Kahit siguro sipon at trankaso takot sa kanila dahil sa tibay ng kanilang pagkakatayo. Walang kurap na pagbabantay. Walang pagkakadulas na pagmamartsa pabalik-balik, oras oras, araw-araw. Walang iwanan. Walang laglagan.

Hindi unique ito. Ganito rin ang mga guwardiya sa Tomb of the Unknowns sa Arlington National Cemetery. Ang kanilang walang patid na pagbabantay ay bilang pagpaparangal sa mga sundalo na ang mga pangalan at istorya ng pag-sa-sakripisyo ay hindi man lang nalaman ng mga tao, ngunit “alam ng Diyos.”

September 2003, tumama ang Hurricane Isabel, isa sa pinakamalakas na hurricane sa Washington, DC. Sa lakas nito, maraming establisimiyento ang nasira. Maraming puno at poste ang itinumba. Ngunit ang hindi kayang itumba ng hurricane ay ang mga sundalong bantay na ito.

Kahit sila pa ay binigyan na ng permiso ng kanilang superiors na sumilong para sa kanilang kaligtasan, kagulat-gulat at kahanga-hanga na wala isa man sa kanila ang umalis sa pwesto. Nilimot ang kanilang sarili, at patuloy na nagbabantay bilang parangal sa kanilang mga yumaong kasama, kahit sa gitna ng sakuna.

Parang sira-ulo nga ang tawag ng mga tao dito. Pero sa bokabularyo ng salita ng Diyos, ang tawag dyan, COMMITMENT!

Friend, hindi lang inspirational ang “commitment”. Alam mo ba na ang commitment ay practical! Sapagkat ito ang sikreto ng success. Ito rin ang sikreto ng ligaya.

Ano ang pagkaka pareho nina Thomas Alba Edison, Tchaikovsky, Michael Jordan, Manny Pacquiao, atbp? Una, lahat sila successful sa larangang pinili nila. Pangalawa, lahat sila, committed sa larangang pinili nila (kaya pala sila naging successful, kasi committed).

Ano naman ang pagkaka pareho nina Mother Teresa, Heather Whitestone, Aling Belen at Mang Jose (mga parents ko ‘yan!)? Una, lahat sila maliligayang tao. Pangalawa, kaya sila maligaya, kasi sila ay committed sa kanilang relationships.

Friend, “commitment” ang success at ligaya ng mga tunay na bayani. Ipapaliwanag ko sa ‘yo.

Kwentuhan tayo sa Feast!
Source Laguna Feast

Monday, May 2, 2011

Hi! Buhay!

Buhay si Hesus! Hindi ito isang magandang alamat lamang na pinag-aaralan sa high school literature. Higit ito sa isang religious symbolism lamang na maaring kapulutan ng mabubuting spiritual na aral. Ito ay isang historical fact na higit pa kesa sa si Jose Rizal ay naging martyr sa Bagong Bayan, o si George Washington ang kauna-unahang presidente ng America. Ilang scholar at mga dakilang utak na ang sumubok pabulaanan ito, tulad ni Lew Wallace, Frank Morrison, Josh McDowell, atbp. Lahat sila, iisa ang kinahitnan: Naging masugid na taga-sunod ni Hesus dahil napatunayan nilang “nakasisilaw ang katotohanan at walang pasubali ang pagka buhay na mag-uli ni Hesus! Mahirap maniwala na nabuhay Siyang muli, ngunit dahil sa mga napaka linaw na ebidensiya, mas mahirap maniwala na hindi Siya nabuhay muli. Isa lamang ang natitirang matinong conclusion: Nabuhay Siyang muli! The resurrection of Jesus Christ is the focal point of the history of this universe!”

Durugtungan ko lang ng “at nananatili Siyang buhay!”

Kung ganon, ano ang relevance nito sa buhay ko?

Tinanong ko ang aking mga kaibigan, mga ordinaryong gwapo at magagandang taong kagaya ko (bakit, meh reklamo?). Ito ang kwento ni Nel, isang polio victim. Anong papel ang ginagampanan ng buhay na Hesus sa pagbibigay sa kanila ng pag-asa at kaligayahan sa gitna ng para bang bwusit at malas na buhay? Ito ang kanyang sagot:

I was 9 years old then …. my parents and I watched a movie entitled “Aladdin.” I had fun watching the movie, had dinner at Aristocrat at Roxas Boulevard and went home. It was my prize for winning 1st place in a declamation contest when i was in Grade 4.

So, there I was in my room, taking off my leg braces when Mom came in my room. She sat down by my side and asked me, ” Nel, If you were granted 3 wishes by your Genie, what would they be?”

While I was taking off my braces, I answered “wish # 1 … Be able to finish and graduate college, …. wish #2, be able to work and wish #3, be able to marry & have a family, Mama”.

Mama was setting aside my leg braces when she turned to me and asked …. “You do not wish to WALK ?” …. And my answer ….. “You only gave me 3 wishes, Mama.”

Whenever I recall this incident in my younger days, I really do have to thank God for granting me those “3 wishes” i asked. Many close friends have asked me the same question … “Did you ever ask God to make you walk?”

“Friend …. I was stricken with polio when I was 6 months old, though I wasn’t able to “walk” like you do, I have received blessings “greater” than being able to “walk”. I was able to study & finish college, I was able to work and the greatest blessing of them all … “my family”. What more can I ask for, Friend? I do not ask for anything more …. I have already been blessed!!”

Before I end, I wish to share with you this beautiful prayer:

Dear God,
Most of us always desire a perfect situation, a perfect life. Yet, You, My Lord, do not grant a perfect life. What you give instead is a ‘perfect heart’ in the midst of an imperfect life. Teach me to be more cheerful, hopeful, smiling amidst imperfections and to enjoy Your wondrous blessings every moment in time. Amen.

Dahil buhay uli si Hesus, hindi pala dapat “haaay, buhay…” tuwing may hassle. May bagay ay “Hi! Buhay!” dahil may pag-asa at ligaya!

Kwentuhan tayo sa Feast!
Source Laguna Feast