Choc Nut ka ba? Bakeet?? Kasi, nakaka addict ka!
Totoo yan, at aking napatunayan sa aking dalawang mata.
Di pa man artista si Cesar Montano, barkada ko na siya, at ang pasalubong niya
sa kanyang pamilya....Alam nyo na!
Ganun din ang ating Tanging Ina, na si Ate Aiai delas
Alas.kailan lamang ay magkasama kami sa Amerika, sa dinami-dami ng masasarap at
mamahaling chokolate doon, ang aking nadiskubre na baon niya sa kanyang maleta,
Yun na! Bakit ko naikwento eto? Wala lang, gusto ko lang!
Tayong mga PINOY ay "Natatangi" at
"Naiiba!" Mayroon tayong mga kaugalian na nakasanayan na kung tawagin
ay PAKIKISAMA at UTANG NA LOOB!
Na kahit saan man ako mapunta, lugar o bansa, tayo lang
ang mayroon nito na nag-iisa at wala ng iba.
Ngayong gabi pong ito, bagama't di naman Linggo ng Wika,
kayo pong lahat ay malugod kong inaanyahan upang aking makapanayam, at makaniig
(hirap sabihin sa tagalog ng WELCOME, Haha!) sa ating bagong serye (pero hindi
Tele), na kung tawagin ay OPM (Original Pilipino Magnificence)
Samahan po ninyo ako sa panayam na ito at sigurado akong
di lang ninyo magugustuhan kundi marami kayong matutunan at madidiskubre
tungkol sa ating mga kaugalian, maganda man o hindi, ating itong pag-isipan at pagnilayan.
Nawa'y lahat ng inyong mga Mithiin at mga Pangarap sa
buhay ay magkatotoo, sa awa ng Diyos na Maykapal! Amen! (Salamat at natapos
din)
0 comments:
Post a Comment