Hayaan ninyong gamitin ko ang ating sariling wika sa mensahe ko sa inyo ngayong linggo.
Kahit noon pa man, alam kong may taglay na kadakilaan ang bawat Pilipino dito sa ating bansa o kahit saan pa man sa buong mundo. Ako ay naniniwalang, tayo ay mayroong gagampanang mahalagang papel upang ang kanyang biyaya ay maranasan ng ating mga mahal sa buhay.
Sa katunayan, ako ay umaasa na ang Pilipinas ay magiging sentro ng pagpapalaganap ng kanyang salita sa buong mundo.
Sa susunod na mga linggo, ating pag-uusapan ang kagandahan ng ating pagiging Pinoy.
Original Pilipino Magnificence, ang pamagat ng ating serye. Simula sa pasasalamat patungo sa kagandahang asal, ating aaralin ang mga katangiang natatangi sa mga Pinoy. Katangiang hindi lang tunay na Pilipino, kundi tunay na Kristiyano din.
Hayaan ninyong talakayin natin ang mga bagay na bumubuo sa ating katauhan, paniniwala at paninindigan bilang mga Pilipino. At sasabayan pa natin ng pagpupuri sa Panginoon.
Tanggapin mo ang biyayang tinakda ng Panginoon para sa iyo.
Maraming salamat at pagpalain nawa kayo ng Panginoon.
Everlastingly at it,
Randy Borromeo
0 comments:
Post a Comment