Saturday, September 17, 2011

PARANG SIRA ULO!

“Love the Lord your God with all your heart and with all your soul and with all your mind and with all your strength.” The second is this: “Love your neighbor as yourself. There is no commandment greater than these.” (Mark 12:30-31)

Sira ang ulo! Ito ang tinging natin sa mga sundalo na nakabantay sa monumento ni Rizal sa Rizal Park (Luneta). Ano naman ang binabantayan nila? Hindi naman siguro tatakas si Rizal. Dahil sa bukod sa wala namang kasalanan ‘yung tao, eh matagal nang matigas na semento at hindi nakakakilos ang rebulto!

Pero sa totoo lang, kahanga-hanga hindi lang ang tikas ng mga sundalo at ang seremonya ng kanilang de-numerong pag galaw, hanggang sa pagpapalit ng pwesto. Mas kahanga-hanga ang kanilang dedikasyon. Umulan, umaraw, bumagyo, bumaha. Habang tayong lahat naka silong sa loob ng ating bahay, enjoy na kasama ang pamilya, dahil walang pasok sa school ang mga anak mo dahil sa hagupit ng mga maka-tumbang-billboard na bagyo, nandun ang mga sundalong ito. Walang tinag. Kahit siguro sipon at trankaso takot sa kanila dahil sa tibay ng kanilang pagkakatayo. Walang kurap na pagbabantay. Walang pagkakadulas na pagmamartsa pabalik-balik, oras oras, araw-araw. Walang iwanan. Walang laglagan.

Hindi unique ito. Ganito rin ang mga guwardiya sa Tomb of the Unknowns sa Arlington National Cemetery. Ang kanilang walang patid na pagbabantay ay bilang pagpaparangal sa mga sundalo na ang mga pangalan at istorya ng pag-sa-sakripisyo ay hindi man lang nalaman ng mga tao, ngunit “alam ng Diyos.”

September 2003, tumama ang Hurricane Isabel, isa sa pinakamalakas na hurricane sa Washington, DC. Sa lakas nito, maraming establisimiyento ang nasira. Maraming puno at poste ang itinumba. Ngunit ang hindi kayang itumba ng hurricane ay ang mga sundalong bantay na ito.

Kahit sila pa ay binigyan na ng permiso ng kanilang superiors na sumilong para sa kanilang kaligtasan, kagulat-gulat at kahanga-hanga na wala isa man sa kanila ang umalis sa pwesto. Nilimot ang kanilang sarili, at patuloy na nagbabantay bilang parangal sa kanilang mga yumaong kasama, kahit sa gitna ng sakuna.

Parang sira-ulo nga ang tawag ng mga tao dito. Pero sa bokabularyo ng salita ng Diyos, ang tawag dyan, COMMITMENT!

Friend, hindi lang inspirational ang “commitment”. Alam mo ba na ang commitment ay practical! Sapagkat ito ang sikreto ng success. Ito rin ang sikreto ng ligaya.

Ano ang pagkaka pareho nina Thomas Alba Edison, Tchaikovsky, Michael Jordan, Manny Pacquiao, atbp? Una, lahat sila successful sa larangang pinili nila. Pangalawa, lahat sila, committed sa larangang pinili nila (kaya pala sila naging successful, kasi committed).

Ano naman ang pagkaka pareho nina Mother Teresa, Heather Whitestone, Aling Belen at Mang Jose (mga parents ko ‘yan!)? Una, lahat sila maliligayang tao. Pangalawa, kaya sila maligaya, kasi sila ay committed sa kanilang relationships.

Friend, “commitment” ang success at ligaya ng mga tunay na bayani. Ipapaliwanag ko sa ‘yo.

Kwentuhan tayo sa Feast!
Source Laguna Feast

0 comments:

Post a Comment