Saturday, October 8, 2011

KUMUSTA KA? KUMUNISTA KA?

Then he called the crowd to him along with his disciples and said: “If anyone would come after me, he must deny himself and take up his cross and follow me.  (Mark 8:34)

Kung liham ang pag uusapan, merong mga hindi malilimutan.  Tulad ng sagutan ng mga liham na ito:
“Dear Itay, Sinugod ng mga daga ang aparador ko, sinara ang mga damit ko, kaya kailangan mo akong padalhan ng pambili ng mga bagong damit.”  Ang iyong anak, Andy.”
(Medyo matagal nang nagsususpetsa ang tatay na ginagamit lang sa pagbubulakbol ng anak ang madalas na pinapadalang pera, kaya ganito ang naging sagot ng tatay.)

“Dear Andy, Sige magpapadala ako.  Abangan mo next week.  Love, Itay”
“Dear Itay, Magkano ang ipapadala mo?  Ang iyong anak, Andy”
“Dear Andy, Hindi pera.  Pusa ang ipapadala ko.  Wala na kasi tayong pera.  Love, Itay”

Kung seryosong sulat ang pag uusapan, mahirap itumba itong susunod.  Ito ay isang liham na sinulat ng isang Communist student sa Mexico.  Ang sulat ay para sa kanyang fiancée.  Ito ang bahagi ng kanyang liham: Kaming mga Communist ay may mataas na casualty rate.  Kami ang mga binabaril, binibitay, tino-torture, binubulok sa bilangguan, nilalait, iniinsulto, tinatanggal sa trabaho, at paboritong pinahihirapan.  Dahil dito, kami man ay dukha, kung ano man ang meron kami, ibinabahagi namin ang kaliit-liitang kusing para sa adhikain ng kilusan.

Kaming mga Komunista, walang panahon o salapi para sa sine, concerts, T-bone steak, disenteng bahay, o bagong sasakyan.  “Fanatics” ang tawag sa amin.  Oo, kami ay “fanatics.”  Ang pakikibaka at pangarap na tagumpay ng Komunismo sa buong daigdig, ito ang lakas ng buhay namin.

Kaming mga Komunista ay may pilosopiya na hindi kayang tapatan ng gaano mang kalaking pera at kayamanan.  Meron kaming adhikain na buong pusong pinaglalaban, layunin sa buhay na hindi mapapalitan. Pati ang aming mga pansariling pangarap at kapakanan ay sumusunod lamang sa kung ano ang ikabubuti ng “kilusan”.  At kung ano mang hirap ng kalooban at pasakit na aming nararamdaman, sapat na ang ginhawang hatid na aming alam: na kami ay nakikibaka tungo sa pagbabago, katotohanan, at ikabubuti ng lipunan at sangkatauhan.

Isa lamang ang aking alam, at ito ang Komunismo.  Ito ang aking buhay, relihiyon, libangan, girlfriend, asawa at kalaguyo, kanin at ulam.  Ito ang aking hanap-buhay sa araw, at panaginip sa pagtulog.  Hindi nagmamaliw, at sa halip, lalong sumisidhi ang aking pag-nanasa rito habang lumilipas ang panahon.  Ito ang lakas at direksyon ng aking buhay.  Hindi maaring ako ay pumasok sa pakikipag-kaibigan, pakikipag-relasyon, o pakikipag-usap man lang, ng hindi na-a-ayon sa pananampalatayang ito.  Ang mga tao, libro, ideas, at anumang pagkilos, ay tama at maganda lamang kung ang mga ito ay naayon sa Komunismo.  Dahil dito, ako’y galing na sa bilangguan.  At tulad ng aking mga kasamahan, ako’y handa na rin sa firing squad, kung kinakailangan…

Tama ang puso, mali ang pinaglaanan.  Friend, kilalanin natin si Hesus, para malaman ang tunay na kabayanihan.

Kwentuhan tayo sa Feast!

Source Feast Laguna

0 comments:

Post a Comment